TUNGKOL SA ANG BATA AT ANG AKLAT
Ito ang aming kuwento...
Ang palabasang bata ay yaman ng bansa. Taglay ng bata ang natural na karunungan at kinakailangan niya ang aklat upang higit na lumawak ang kaniyang kaalaman, karunungan at kahusayan nang may pagkalinga sa kaniyang bayang sinilangan. Kaya naman, mahalaga ang gagampanan ng 'Ang Bata at ang Aklat" bilang isang samahang nagtataguyod at nagsusulong ng panitikang pambata sa Pilipinas.
Sa website na ito, makikita ang ilang akdang pambata, pagsusuri sa aklat pambata, tips at pagsulong ng panitikang pambata. Tututukan din ng 'Ang Bata at ang Aklat" ang pamamaraan sa pagseselfpublish ng aklat pambata upang maisulong ang baryasyon sa panitikang pambata sa Pilipinas.
Ilalathala sa blog na ito ang makabuluhang limbag kapwa published at selfpublished na panitikang pambata.
Tumatanggap kami ng kontributor ng artikulong may kaugnayan sa panitikang pambata.
MAKIPAG-UGNAYAN
Kung nais magpadala ng sariling pagsusuri o anumang pag-aaral na ginawa ninyo kaugnay ng panitikang pambata, makipag-ugnayan lamang sa email sa ibaba o sa aming FB Ang Bata at ang Aklat o kaya sa Fb group Manunulat o Gustong Maging Manunulat ng Panitikang Pambata. Bibigyan ng sertipiko ng pagkilala at pasasalamat ang kontributor na malalathala sa website.