top of page
Search

3 Structure Point ng Paggawa ng Kuwento Para sa Bata

Writer's picture: Ang Bata at ang AklatAng Bata at ang Aklat

Sa aklat na Lumikha ng Kuwento, Tula at Laruang Pambata (1991) na isinulat ni Rene O Villanueva, Virgilio Almario, Annaleha Habulan, at Michelle Parazo tinalakay kung paano nga ba gumawa ng kuwento para sa bata.


Tatlong balangkas ng paggawa: Simula, Gitna, Wakas


Tinukoy nila ang tatlong balangkas na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa gamit ang kuwento ng “Si Pagong at Si Matsing”.


Simula: Nakakita si Pagong at si Matsing ng isang puno ng saging. At pinaghatian ng dalawa ang puno.


Gitna: Tumubo ang bahagi ng puno ng saging na napunta kay Pagong, at namatay naman ang kay Matsing. Inubos ni Matsing ang bunga ng puno ng saging ni Pagong.


Wakas: Nagalit si Pagong at gumanti.


Ang larawan ng aklat na "Si Pagong at si Matshing" ay hindi pag-aari ng blog na ito. Makikita ito sa website ng Adarna.

Ito ang 3 structure point ng kuwentong ito. Sa ganitong paraan, makikita ang malinaw na balangkas ng kuwento. Kung matukoy na ang malinaw na balangkas gamit ang simula, gitna at wakas, mahalagang isaalang-alang ang kaangkupan ng kuwento sa edad na target ng iyong kuwento. Ganun din, nararapat na malinaw ang layunin ng kuwento.


Iminumungkahi sa batang may edad na 2-4 na gawing maikli lamang ang kuwento. Dapat puno ito ng aksiyon.


“Isang araw, namamasyal sa tabing-ilog si Pagong at si Matsing, nang makakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng sagong. Kinuha ito ng dalawa at pinaghatian. Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahon at itinanim niya sa may kakahuyan. Kinuha naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim niya ito sa tabi ng ilog.” (p. 10)


Kung papansinin, maaksiyon nga ang unang bahagi ng kuwento. Dapat itong magawa sa lahat ng bahagi ng pagkukuwento. Makita dapat ang maaksiyong pangyayari upang hindi mabagot sa pagbabasa ang isang batang nasa edad na nabanggit sa una. Kung ang batang babasa naman ay mas matanda na kaysa sa nabanggit na edad, maaari namang pahabain ang pagkukuwento dahil mas maiintindihan na nila ito.



Ang larawang ito ay matatagpuan sa atingkuwento.blogspot.com. Hindi pagmamay-ari ng "Ang Aklat at ang Bata" ang nasabing larawan.

Sa halimbawang ibinigay, makikita ang halaga ng paggamit ng pandiwa/salitang kilos o verb sa wikang Ingles. Sa bawat pangungusap ng halimbawa, mapapansin na naglalaman ito ng mga salitang kilos. Halimbawa, namamasyal, makakita, nakalutang, kinuha, pinaghatian, at itinanim. Lahat ng ito ay nagbibigay ng maaksiyong imahinasyon sa isipan ng bata.

Ipinapayo rin nag awing kapana-panabik ang bawat bahagi ng kuwento sa pamamagitan ng paglalarawan, usapan o dayalogo, at paulit-ulit na linya. Tatalakayin natin ito sa susunod para higit na maging tutok ang paksa sa paraan ng paglalarawan.

1,229 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Post: Blog2_Post

©2018 by Ang Bata at ang Aklat. Proudly created with Wix.com

bottom of page