top of page
Search

Ano ang kuwentong pambata?

Writer's picture: Ang Bata at ang AklatAng Bata at ang Aklat

Updated: Aug 25, 2018

Ayon kay Rivera, isang manunulat, ang kuwento ay may patutunguhan. Ito ay may direksyon. Ito ay may ibig sabihin o nais iparating. Kinakailangang kawili-wili at nakapagpapataas ng interes ng target awdyens ang kuwento. Ang mga pangunahing elemento ng maikling kuwentong pambata ay may plot o pangyayari, tauhan, theme o tema, at setting o lugar.


Ayon kay Eugene Evasco, ang manunulat na nagsusulat ng kuwentong pambata ay dapat na may layunin talagang magsulat para sa bata. Ibig sabihin, natutugunan niya ang interes, pangangailangan at kapasidad ng isang bata sa pagbabasa. Hindi kuwentong pambata ang isang akda na salimpusa lamang ang bata.


Ayon naman kay Genaro Cruz, isang sikat na manunulat ng mga kuwentong pambata, kinakailangang malapit sa karanasan ng bata ang iyong isusulat. Gaya ng kay Evasco, kinakailangang naaayon ito sa kapasidad ng isipan ng bata, kasanayan at kulturang mayroon ang isang bata.


Ipinapayo na magbasa nang magbasa ng panitkang pambata ang nais na magsulat nito. Maaari ring simulan ang pagsusuri o pag-aanalisa nang malay sa mga binabasang teksto. Karaniwang pagsusuring ginagawa na nakatutulong upang mapaunlad ang pagsulat ng kuwentong pambata, halimbawa, ay ang dalawang lapit:

  • Tekstuwal

  • Kontekstuwal


Ang tekstuwal na lapit ay nakatuon sa pagsusuri ng mga elemento ng maikling kuwento para mabatid kung nararapat ito sa target audience o mambabasa. Ang kontekstuwal na lapit naman ay may kinalaman naman sa produksiyon ng panitikan. Bakit isinulat ang tekstong ito? Ano ang nag-udyok sa manunulat para isulat ito? At iba pa.




Alamin natin kung paano nga ba nagsimulang magsulat ng kuwentong pambata si Eugene Evasco?







1,871 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post

©2018 by Ang Bata at ang Aklat. Proudly created with Wix.com

bottom of page