1. Who, What, Where (Sino, Ano, Kailan)
Sa unang pahina pa lamang ng Rosamistica, makikita na ang bida ay si Rosamistica, isang batang ulila, na naroon sa bayan ng Bulacan.
2. Introduction of the conflict (Pagpapakilala ng Tunggalian)
Sa pangalawang pangungusap pa lamang sa unang pahina ay ipinakita na agad ang sitwasyon ni Rosamistica. Sinabi na siya ay naiwan sa pangangalaga ng kaniyang Tiyo Senando at Tiya Tomasa. Sa ikatlong pangungusap, sinabi rin na malupit ang mag-asawa kay Rosamistica.
3. Journey (Paglalakbay/Mga Pangyayari)
Dito, sinabi na kung ano ang naging buhay ni Rosamistica kapiling ng kaniyang tiyo at tiya. Sinabi sa ikaapat na pangungusap na isang alipin ang turing kay Rosamistica, pinatutulog lamang siya sa kuwadra ng kabayo at maghapong pinagtatrabaho.
4. Climax (Kasukdulan)
Bisperas ng Pasko at kaarawan din ng tiya ni Rosamistica ay pinalabas siya nito sa bahay. Binigyan ng beinte-singko sentimos para kumain sa labas. Sumabay siya sa agos ng mga tao patungo sa simbahan. Pumasok siya rito at nagdasal. Nakita niya ang iba’t ibang laruan at pagkain sa gilid ng simbahan ngunit hindi niya kayang bilhin ang isang bagay na gusto niya, ang manilang maliit na mayayakap niya sa pagtulog. Nang makita niya ang mag-inang pulubi, iniabot na lamang niya ang kaniyang beinte-singko sentimos. Bilang ganti ng inang pulubi, ibinigay niya kay Rosamistica ang isang supot na may lamang tansong bilog na ayon sa kaniya maaaring paglaruan ni Rosamistica. Sinabi ng inang pulubi na nabaka buti ni Rosamistica. Nagpasalamat si Rosamistica at muling naglakad sa perya. Gutom man, nagpatuloy siya sa paglalakad at umupo sa isang tabi. Nang tingnan niya ang supot, laman nito ang maraming barya.
5. Conclusion (Konklusiyon)
Hahabulin niya sana ang mag-inang pulubi ngunit hindi na niya ito makita. Mahiwaga para sa kaniya ang mag-ina. Pumasok siya sa simbahan nang makatapos kumain. Magpapasalamat siya at nang tumingin sa altar napansin niyang nakangiti sa kaniya ang Mahal na Birhen at ang sanggol na Hesus. Simula noon hindi na bumalik si Rosamistica sa kaniyang Tiyo at Tiya.
Comments